BIRDMAN, 1973
There are summers such as this: birds being sold and the harmony
Of their captivity clenches a heart and stirs up a loneliness.
There beside the church. Now I understand the Messiah when he forced
Open every cage and fed the expanse feathered laments.
The gliding alchemy of the colors can be seen like the sudden
Flight of ripped banderitas from the last Fiesta, alighting on the lap
Of galvanized roofs. These are their fields and forests. Every grain in our palm,
Serving like an unassuming trough, deceives. Sometime during the last war,
Pigeons were trained to pilot bombs. Food was exchanged
For every right peck targeted on the map. They were trained to surpass birds of prey.
The project ended when their beaks met the locks. Their billowing waves
Dawn in the horizon while their keepers were left suspended
In their sighs. The merchants needed to flee.
The bamboo cages clang from their flapping wings. For a moment,
They seem to be in the river, singing the melodies they love.
WHITE BIRDS DARK SHADOWS, 1962
This is the moment of destruction: light against light in an apocalyptic flame,
Incinerating the calm outline of morning. It’s easy to say burning even
The wildfire. The lesson of the chameleon vivifies—in times of bewilderment
All color changes: the blue sky yellows. This instance,
A bouquet of birds snatches their shadows like soldiers
Evacuating the flag in the face of defeat. They know they will be left as silhouettes
In the mountainside if they do not flee the labyrinth of the first petroglyphs:
Sketches of a once free spirit. Watch: the resolve of their flapping
As it soars in the dissolving brightness: the thinning feathers and fury appear like
Petals of jasmine wisping after being plucked by the wind. Fervor
Is learned first by those who want to live, however their flight muscles boil,
The destination fading from view. I wish to believe that paradise is there
But words have disdained me. They have nothing to lighten the blast,
Perhaps, silence. The silence after every prayer; the silence after
The torn singing of migratory birds—reviving our devastated world.
BIRDMAN, 1973
May mga tag-araw na katulad nito: may mga inilalakong ibon
At ang harmoniya ng kanilang pagkakabilanggo’y nakakakuyom
Ng puso at nakakapukaw ng mingaw. Doon ito sa may simbahan.
Nauunawaan ko na ngayon ang Mesiyas nang binaklas niya
Ang bawat hawla at isinubo sa kalawakan ang mga binagwisang
Hinagpis. Nagsasalimbayang alkemiya ng mga kulay ang natatanaw
Tulad ng biglaang paglipad ng napigtal na banderitas ng nakaraang
Pista, napadapo sa kandong ng mga yero. Ito na ang parang at gubat
Sa kanila. Nakakalansi ang bawat butil sa ating palad tila maamong
Labangan ang naghahain. Minsan, noong nakaraang digma, tinuruan
Ang mga kalapating magpiloto ng bomba. May kapalit na makakain
Sa tamang pagtuka sa itinutudla sa mapa. Higit sa mga mandaragit
Sila hinuhubog. Natigil ang proyekto nang nakilala ng kanilang tuka
Ang mga kandado. Lumiliwayway sa panginoorin ang maiindayog
Na pagkaway samantalang naiiwang nakabitin sa buntong-hininga
Ang kanilang mga amo. Kailangang lumayo ng mamang naglalako.
Kakalampag sa pagaspas ng mga pakpak ang mga kulungang kawayan.
Sansaglit, tila naroroon sila sa ilog, umaawit ng kanilang iniibig na himig.
WHITE BIRDS DARK SHADOWS, 1962
Ito ang sandali ng pagkagunaw: liwanag laban sa liwanag ng apokaliptikong pagliyab,
Tinutupok ang panatag na balangkas ng umaga. Madaling sabihing nasusunog maging
Ang mga ilahas na ningas. Nagkakabuhay ang aral ng hunyango—sa panahon ng gimbal
Nagbabago lahat ng kulay: nagsasadilaw ang langit na bughaw. Sa pagkakataong ito,
Dinadagit ng pumpon ng mga ibon ang kanilang mga anino tulad ng mga ayudanteng
Tinatakas ang bandera sa harap ng pagkagapi. Batid nilang maiiwan silang bakas-anino
Sa gilid ng bundok kung hindi makakalayo na tila laberinto ng mga sinaunang petroglipo:
Mga banghay ng minsang malalayang nilalang. Pagmasdan: pumapailanlang ang kaselanan
Ng kanilang pagpagaspas sa nakakalusaw na silaw: maninipis na bagwis at bangis kahawig
Ng mga talulot ng sampagang sumasalimbad matapos pagpipitasin ng hangin. Pagkasigasig
Ang unang natutuhan ng mga nais mabuhay kahit kumukulo ang kalamnan ng pakpak,
Nabubura sa paningin ang paroroonan. Nais kong maniwala na naroroon ang paraiso
Ngunit ikinahihiya ako ng mga salita. Wala sa mga ito ang makakapagpapaagan sa pagsabog,
Marahil, katahimikan. Katahimikan pagkatapos ng bawat panalangin; katahimikan pagkatapos
Ng punit-punit na pag-awit ng mga migranteng ibon—ipinipintig ang wasak nating daigdig.